Kapag naghalo-halo na ang mga paniniwala mo, hindi mo na alam kung saan ka maniniwala.
Tapos na first sem. Pakiramdam ko ok na ok na mga grades ko. Di’ tulad ng dati na kapag matatapos na yung sem, lagi akong kinakabahan kasi baka may subject na naman akong babalikan. Lahat ng inaasahan ko, binigay ni God. Wala ka ng hahanapin pa.
Kaso bakit parang may kulang. Parang may hindi ako maintindihan na mabigat sa pakiramdam, pero hindi ko naman makita o malaman kung ano ba yun.
Nagtatalo yung’ iba’t ibang katauhan sa loob ng utak ko na lumalabas lang depende sa kausap kong tao. Nag aaway sila ng walang dahilan. Pero merong isa na kumakanta lang.
Nakakairita yung’ pakiramdam na alam mong ok na dapat, at wala ka ng iintidihin, pero may nararamdaman kang kulang na hindi mo naman din malaman kung ano.
O baka naman ayaw lang tanggapin ng sistema ko na may problema talaga?
Sa dami ng pinaniniwalaan ko, hindi ko na alam yung’ tama. Baka sa huli ako na magkatama sa utak, sa kakaisip.
5.0
So maglilimang taon na pala yun. Napaisip ako bigla habang nalalakad papasok sa aking mahal na unibersidad. Naisip ko, ang bilis ng panahon at parang minamadali na tayo para paghandaan ang kung anong bagay. Naisip ko, may naging kwenta ba ang 5 years kong pag-aaral, pamumuhay at pagiging ako.
Self Evaluation. Hmm.
Parang wala ah. haha. Kasi from the first place, hindi ko naman gusto yung’ ginagawa ko. Magulo. Sobrang gulo na kahit ako hindi ko maintindihan.
Pano’ kung pag’ gising ko bukas, judgement day na?
Ano isasagot ko kay Lord?
Saka ano ba talaga gusto kong isulat sa blog na to’?
Hindi ko alam.
Basta ang alam ko lang, nagsusulat ako, kasi wala yatang gustong kumausap sa’kin na tungkol sa’kin.
Kaya sa’yo ko na lang sasabihin.
Salamat.
Finding Nimo….tak. (Nilulumot na utak)..
A very long story of a boy/man/ermitanyong mabalbas, (naubos na english ko) na hinanap ang nilulumot niyang utak sa ihawan. Bow.
Lumot - (Ingles: algae, lichen, o moss) ay ang pangkalahatang tawag sa lahat ng mga uri ng mga nakakain at hindi nakakaing alga, isang halamang-dagat (http://tl.wikipedia.org/wiki/Lumot). Ang Lumot ay nagmula sa pinaghalong mga salita na Lu, isang estado sa bansang Tsina at Mot na ayon sa sinaunang kasaysayan ay isang Semitic God o ang tinatawag nating God of Death (http://en.wikipedia.org/wiki/Mot_(Semitic_god)).
7am.
And so, judgement day came. At buhay pa ako.
Ang saya saya ng mood ko kaninang umaga, kasi kahit tipong napuyat kaming magkakagrupo, nagawa naman naming tapusin lahat ng requirements para sa thesis namin. We all worked hard para magawan ng paraan ang gusot na dinadaanan namin. From ensuring that all spaces are properly checked. Na may sense na lahat yung nakalagay na statements sa aming paper. Na tipong magaling na magaling na kami at alam na namin lahat ng isinulat namin sa paper namin. Lalong lalo na ang pagsunod sa standard format niya ng thesis na ayon sa department head namin ay ka ek-ekan lang nya. (wala naman siyang tumblr di’ba)
Hindi ako umattend ng first subject ko kasi talagang kulang na kulang ako sa tulog. Gusto ko sanang sulitin ang bawat minuto sa higaan ko. Gusto ko sanang matagal ko pang malanghap ang sariwang hangin na pumapasok sa bintana ng kwarto namin. Gusto ko pang namnamin ang amoy ng natuyong laway ng mga kapatid ko sa pagtulog. Mamimiss ko rin yung mga kagat at kalmot ng alaga naming pusa habang pinipilit kong bumawi ng tulog. Gusto ko pang ituloy yung panaginip ko na gumagawa daw ako ng logo ng tshirt ng nanay ko at pinapaprint na niya sa akin yun kaya kailangan ko ng gumising agad.
Kaya ayun, nagising ako. Nagtoothbrush. Butas ang damit. Nagpaprint. Sira ang tulog.
Pero hindi naman naapektuhan nun ang mood ko. Positive talaga ang outlook ko na maapprove lahat ng aming write up, at matatanggal na lahat ng kaba sa dibdib ko. Kaya sa sobrang ganda ng mood ko, ako na mismo ang nagpunta sa computer shop. Ako na ang nagpaprint ng write up namin. Bumili ako ng brown envelop at ng index card para sa practical namin. At masaya kong ibinandera sa aking mga kagrupo, ang natapos na naming write up. Pero busy kasi sila, kaya di’ nila ko pinansin. :D
10am.
Sige lang sa review para sa practical. Habang lahat eh busy sa kani-kanilang gawain. Yung utak ko, unti unti ng nagwawala sa ulo ko. Di’ ko tuloy naiwasang itanong sa sarili ko na bakit kaya etong ulo ko lang ang parang may nagwawalang utak sa loob? Eh samantalang sabi sa’kin ng nanay ko dati na pati daw tong’ pwet ko may lamang utak, kaya napakagaling ko mamilosopo. Sabi ko naman, mas malamang na wala talaga kong utak. Kasi kung meron akong utak, hindi sana ko nangangarag ngayon sa thesis na hindi ko naman sigurado kung papasa o hindi. Basta ang alam ko lang sa ngayon, yung kanina kong nagwawalang utak, eh unti unti ng binubutas yung inner skull ko sa pamamagitan ng drill bit na hiniram niya kay Cyril na hanggang ngayon, hindi pa niya sinasauli.
12pm.
Sige tutok ako sa pag gawa ni Carlo (yung’ Carlo na may laptop, braces at may letter “Z” sa apelyido) ng isang problem sa Packettracer o Packeteraser o Fcukthisdaysir. Basta, yun yung program na may lamang kung ano anong connector, hubs, switches, router, modem, pc, puso at iba pang mga bagay na kailangan mong pagkone-konektahin para kahit malayo kayo sa isa’t isa, ramdam mo pa’rin ang mga nararamdaman niya. Kumabaga sa commercial, you’ll stay always connected. Naku po, nakatakas na yung utak ko. At hindi niya pa’rin isinasauli yung’ drill bit kay Cyril. Lagot.
12:49pm
Kumain muna kami. Kung hindi niyo pa alam, tao nga pala yung’ nagkukwento sa inyo ngayon ng kung ano-anong mga bagay na wala naman talagang sense or kinalaman sa mga sarili niyong buhay. Siyempre nagugutom ako at gusto kong kumain. Sabi ko kain kaming KFC. Para sa isang tiga BulSU, ang KFC ay ang Kapitolyo Food Court. Makikita mo sa lugar na ito ang iba’t ibang uri ng mga nakakatakam na pagkain. Nariyan ang inihaw na baboy marinated with the juicy and tasty imburnal water. Ang iba’t ibang mga potahe na mas lalong pinasarap ng mga langaw na nagliliparan at nagsisidapuan sa kung ano anong mga kulay brown (pag bagong labas), green (pag medyo sira ang tiyan), black (yan yung natuyo na) at seedless (yan yung pag hindi mahilig sa bayabas o mais) na mga prutas sa mga kalapit na tindahan. Pero siyempre, dun pa’rin ako sa Liempo ni ate. Ang pagkaing nagpapabata dahil daw pag inaraw araw mo ito, siguradong kahit sa burol mo, batang bata ka pa’rin. Kasi bata kang mamatay. Sabagay, mas gusto ko na yun kesa dun sa kabilang tindahan ng ulam na kinakainan at pinipilahan samantalang ang mga potahe, sa kulay lang nagkakaiba. :D
“Kain ako KFC” sabi ni Echo.
Actually, kahit ganito ako na parang baliw, eh may mga kaibigan din akong artista. Nariyan si Ramon, na finafollow ko ngayon dito sa tumblr. Si Richard, na anak ni tita Anabelle. At iba pang mga kaibigan na kapag naisip ko na sa inyo kung sino sila ay sasabihin ko kaagad.
”Eh KFC naman tayo pupunta” sabi ko.
“Dun ako sa tunay na KFC pupunta” sabi ni Echo.
“Eh bakit?” sabi ko.
“Matagal na kasi sira tiyan ko” sabi ni Echo.
“Sira din tiyan ko, mga two weeks na” sabi ko.
“Mas malala sira ng tiyan ko” sabi ni Echo.
“Eh mas malala sira ng tiyan ko” sabi ko
Para kaming dalawang bata na nagpapagalingan ng Lolo.
Echo: Wala ka sa lolo ko. Yung’ lolo ko, kayang umubos ng 200 na hotdog sa loob ng isang oras!
Roi: Wala ka sa lolo ko. Yung’ lolo ko, kayang umubos ng 200 na footlong sa loob ng isang oras!
Vice Ganda: Pwede ba magsitigil na kayo at puro patay na mga lolo niyo! Puro kayo hotdog ng hotdog ano ba mga lolo niyo BADING??
Roi and Echo: Wow! Kabayo nag sasalita!!
Vice Ganda: :|
”Echo, kamusta nga pala kayo ni Kristine Hermosa” sabi ko.
Umalis na siya.1pm
Ito na yung oras na talagang excited na kong makuha yung pinasa ko na write up kahapon (Sarcasm). At siyempre nakita agad ako ni mam pag akyat ko ng fourth floor. Ikaw ba naman ang magmakaawa sa kanya na tanggapin yung’ write up namin. Tanggapin lahat ng sisi, kahihiyan at kung ano ano pang mga inconsiderate na opinyon, eh naku po, talagang hinding hindi na niya ko makakalimutan. Parang sensor si mam na ako na lang ang nadedetect. Pero mabait naman si mam. :D
Tapos ayun na nga, naibigay na ang aming write up. Ibinibida ko pa kay mam na tapos ko na chapter 3 namin. Na nagawa ko na yung pinaparephrase nya na mga questions. Na magdamag kong iniisip kung pano ko siya kakausapin ng maayos na hindi ako magagalit at magdidiliryo sa harap niya. At buti na lang, wala na yung’ utak ko sa mga oras na yon’. Wala kasi akong nasabi. Tango na lang.
1:22pm
Binigay yung mga write up. Kailangan na daw irevise. At ang pasahan, ngayong araw din. Napakasaya ko sa mga oras na yun’. Pakiramdam ko, hinding hindi na kami maghihiwalay. Ang bawat minutong kasama ko siya ay aking ninanamnam, dahil baka hindi na ito muling mangyari. Ay, ibang kwento pala to’. San na nga ba tayo?
Sige hanap ako ng pag eeditan at super focused ang grupo para maipasa ang write up sa takdang oras. Wala na kaming pakialam sa practical namin sa next subject basta ang importante sa aming lahat ngayon ay ang write up na susi sa pag graduate namin sa tamang oras. At yes! Sa tulong ng computer ng aming mahal na organization, natapos ko naman ang dapat iedit. Baka sakaling makalusot ulit. At relax na relax na ko. Hanggang sa pumunta ako ng faculty room.
3:45pm3:45pm3:45pm
Nakita ko si Joshua na kausap ang aming thesis adviser. To make the story short. Ayaw niya iapprove ang aming thesis idea. Kahit anong paliwanag ko na binaha ang mga kagrupo ko, na gahol na kami sa oras, na kailangan lang namin ang pirma niya para makalusot na kami, sige lang siya sa pagpuna ng kahinaan ng aming idea. Yung’ pakiramdam ng pako na ulo na nga lang ang nakalitaw, pinukpok pa ulit ng martilyo para lalong bumaon. Nakabaon na, binaon pa lalo. So paliwanag ako ng paliwanag. Pakiusap ng pakiusap. Hanggang sa umabot sa. “Ok, pass your chapter 1-3 tomorrow and then i’ll consider it”. Sa tagalog, “Sige, ipasa niyo bukas sa’kin yung’ thesis idea niyo para fresh ulit yung’ utak ninyo sa mga panlalait na gagawin ko at wag’ na kayong umasa na papasa pa kayo”. Siyempre iba utak ng paranoid.
4:00pm
Practical exam, lutang ang isip namin. Pero nasagutan namin yung’ tanong namin sa loob ng 38min na sinagot lang nila Jun sa loob ng 3min ata. At kung hindi pa kami tinulungan nila Louie at Carlo (yung’ Carlo na may laptop, braces at may letter “Z” sa apelyido),eh baka hindi namin yun nasagutan at malamang sa ipinukpok ko na yung laptop ni Joshua sa kahit sino na unang mabaling sa paningin ko. Hindi pa ko nakapag attendance. Hindi ko rin dala yung mga experiments ko na may pirma. At nararamdaman ko na kahit ang IP ng utak ko, nag iba na. Hindi na kami connected.
5:00pm onwards. backwards. forwards. rewind, sana merong rewind.
Alam mo ba ang advantage ng tulad kong malabo ang mata? Mas konti na lang ang aking pinoproblema. Kasi ang mga malalabo ang mata, iniintindi na lang nila yung’ mga bagay na naaaninaw nalang nila. Kaya kung wala ka sa harap ng mukha ko, hindi kita problema. Kaso hindi ako ganun. Nakapabilis kong madepress. Pakiramdam ko buhat buhat ko ang mudo. Ok lang sana na ako nalang ang napasok sa problema na to. Pero pano yung mga kagrupo ko na walang bahid ng kahit anong singko sa record nila? Pano yung mga kagrupo ko na may mga plano na dahil alam nilang gagraduate sila sa oras. Pano na yung mga bagay na gusto kong gawin pagkatapos. Pero naisip ko, may iba sigurong plano si God. Siya na lang ang bahala. Alam kong hindi niya ko iiwan.
Tuwang tuwa naman ako sa mga kaibigan kong sige ang pagpapatawa sa’kin. Kita kasi sa lukot kong mukha kung gaano ako kadepressed. Ika nga ni Roan, ang kyut ko daw. Tapos good dog daw. Alam ko naman yun Roan, wag mo lang sana lagyan ng emphasis. Kung paano ako kausapin nila Ramon at Carene pauwi. Kung pano nila pinagmamasdang lumutin ang utak ko na nasa likod ko lang kaya hindi ko makita at pinaglalaruan ang drill bit na hindi pa niya isinasauli kay Cyril. Lahat ng pagasa nawala na. Lahat ng pinaghirapan, nawalan lang ng saysay.
Pero sabi ko naman, may plano talaga si God. Napakabuti niya. Special mention nga pala kay Shiela na nagsabi sa’kin na binaha rin daw kami, kasi mukha daw akong ermitanyo na kagaya ni Joshua. Salamat sa compliment ha! Sa ihawan na hindi ko naman talaga kakainan, may narinig akong boses na pamilyar. Kaso para siyang bagets na naka-stripes lang na shorts at nakikipagusap lang ng normal sa mga tambay sa ihawan. Tapos yun na nga. Nakita ko ang ECE department head na kumakain ng isaw! Sinabi ko sa kanya lahat ng aming problema. At natatawa ako sa sinabi niya na ang format daw na pinagkakaduguang sundin ng section namin ay mali. Na sa kaso ng grupo namin, dapat daw bigyan kami ng konsiderasyon. Na basta lapitan ko lang siya, at tutulungan niya kami. I even proposed our thesis idea to him and allowed me to further elaborate the function of our project. And from his reaction, he was satisfied enough to give approval on our thesis idea. Mataas lang talaga standards ng iba. Sa sobrang taas, siya na lang ang nakakakita. Di’ gaya ni sir na kahit nasa peak na ng kanyang career sa ngayon, lage paring nakatapak ang mga paa niya sa lupa. Hindi siya nagsawang makinig sa mga hinaing ng mga estudyanteng kagaya ko at sinabi pa na lumapit ako at tutulungan niya kong humingi ng tulong kay dean.
God has a plan. Alam kong hindi niya kami papabayaan. At bago pa man maisama sa mga iihawin ang aking utak, naibalik ko na agad siya sa aking skull. Kaso, parang bumigat……. Naku yung’ drill bit!! :D
Fin.
The day before Judgement Day.
“This is the day the LORD has made; let us rejoice and be glad in it”
-Psalm 118:24
Positive vibes lang. Kaya yan, ngayong araw, pupunta ako ng school para ipasa yung chapters 1-3 na ginawa naming magkakagruoup kagabi hanggang kaninang madaling araw. Grabe yung’ kaba ko honestly, kasi dito nakasalalay ang lahat. Bukas yung’ deadline for submission kahit sabi na sa memo na BAWAL MAGBIGAY NG DEADLINE at EXAMS this week. Be considerate sana. Apat sa kagroup ko binaha. Pero ika nga niya, ako daw ang may kasalanan at responsable sa nangyari sa group namin. Dapat daw kumilos ako. Sige, try mo magcomputer ng walang kuryente. Try mo makipagchat sa sarili mo dahil yung’ mga kagrup mo, ayun, binabaha. Try mo mag-imbento ng sarili mong thesis sa loob ng isang araw. WAHHHHHHHH!!!!!!!ARHHHHGGG!!!! (nagwala na)
This is the day before Judgement day. Jugdement day kung gagraduate ba kami sa oras o hindi.
“Try and fail, but do not fail to try.”
I’m Done.
Madaling araw na at hindi pa’rin ako tapos gumawa ng thesis. Actually, editing ang pinakamahirap lalo’t hindi compatible ang formatting ng Office 2003 sa 2007. Bakit ba kasi 2003 lang meron ako? T_T. Sana maging ok naman ang lahat at matapos kami lahat on time. Si God na bahala sa magiging hatol ng aming thesis. Kung sabagay, kung hindi ko to’ matatapos, siguradong tapos ako. Wag’ naman sana. Nyt.
may isasakay ako dun sa gitnang poste. :DDD
(via theyoungengr)
This is..
This is the feeling that i hated the most. And unfortunately, i also can’t explain what i am feeling right now. Mixed emotions, crawling under my feet. Then it goes inside my stomach, travelling inside my intestines. Makes me feel cold and sweaty. Slowly engulfs my thoughts and burns all of my hopes. Then finally, rips off my pride, even though i don’t have any pride left.
This is something i did not expect, though i am already unpredictable. Let’s just say, i really efffin’ hate this!!!!
Anong magagawa ko? Thesis eh. So ikaw ang boss, ako ang may kasalanan. Ikaw ang Diyos, at ako yung utusan.
But honestly, this too shall pass. Like the storm that swallowed my Hagonoy whole.. Nothing is impossible. Cliche’.
Ironic.
Amen.